// where you get everything Filipino

Tunay Kang Matapat

O kahangahangang Diyos ng pag-ibig

Sa luklukang banal lumalapit

Humihingi ng awa at pananalig

Ang biyayang tapat anong rikit

Kahit magpalit ang mga dahon

Mananatili Ka sa panahon

Ikaw pa rin ang bukas at ang kahapon

Ika'y laging tapat Panginoon

Tunay Kang matapat

Di kumukupas

Walang paglilo ang Iyong landas

Di ka magbabago at lilipas

Tunay Kang matapat

Hanggang wakas

Awa mo't pag-ibig ay sagana

Pagpapala'y di rin nagbabawa

Pangakong tiyak kaysa tala

Laging tumutupad sa pagsinta

Kahit kami minsa'y makalimot

Di nagbabago ang iyong loob

Ang puso Mong tapat

Ang syang nagdulot ng panghalinang

Tungo sa Krus

print

Comments

Share this with others