// where you get everything Filipino

Lupa

Gary Valenciano

RAP:

Kaya't pilitin mong ika'y magbago

Habang my panahon magbago

Pagmamahal sa kapwa ay

Isipin mo't magbago

Nagmula sa lupa

Magbabalik nang kusa

Ang buhay mong sa lupa nagmula

Bago mo linisin

Ang dungis ng iyong kapwa

Hugasan mo 'yong putik sa mukha

At kung ano ang di mo gusto

'Wag gawin sa iba

Kung ano ang iyong inutang

Ay siya ring kabayaran

Sa mundo ang buhay

Ay mayro'ng hangganan

Dahil tayo ay lupa lamang

Refrain:

Kaya't pilitin mong ika'y magbago

Habang may panahon ika'y magbago

Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo

(Instrumental)

RAP:

Hindi pa huli ang lahat

May panahon pa para ika'y magbago

Mahalin ang iyong kapwa nang buo mong pagkatao

Iwasan ang lahat ng masamang gawain

Gumawa ka ng mabuti at ika'y pagpapalain

Huwag susuko sa 'yong mga problema

Habang ika'y may buhay may natitirang pag-asa

Matuto kang magpatawad

Huwad kang maging mayabang

Isiping sa ibabaw ng mundo tayo ay lupa lamang

At kung ano ang di mo gusto

'Wag gawin sa iba

Kung ano ang iyong inutang

Ay siya ring kabayaran

Sa mundo ang buhay

Ay mayro'ng hangganan

Dahil tayo ay lupa lamang

Refrain:

Kaya't pilitin mong ika'y magbago

Habang may panahon ika'y magbago

Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo

print

Comments

Share this with others