// where you get everything Filipino

Walang Hanggang Paalam

by Joey Ayala, 1983

Di ba tayoy narito upang maging malaya

At upang palayain ang iba

Akoy walang hinihiling

Ikay tila ganoon din

sadyay bigyang-laya ang isat-isa

Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam

At habang magkalayo papalapit pa rin ang puso

Kahit na magkahiwalay tayo ay magkasama

Sa magkabilang dulo ng mundo

Ang bawat simula ay siya ring katapusan

May patutunguhan ba ang ating pagsinta

Sa biglang tingin kitay walang kinabukasan

Subalit di-malupig ang pag-asa

Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam

At habang magkalayo papalapit pa rin ang puso

Kahit na magkahiwalay tayo ay magkasama

Sa magkabilang dulo ng mundo

Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam

At habang magkalayo papalapit pa rin ang puso

Kahit na magkahiwalay tayo ay magkasama

Sa magkabilang dulo ng mundo

Sa magkabilang dulo ng mundo

print
|

Comments

Share this with others